-- Advertisements --
Dormitorio Dog
Dormitorio Dog
Tinig ni Dexter Dormitorio, panganay na kapatid ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio

Aminado ang kapatid ng namatay na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na aware ang kanyang kapatid na si 4th class cadet Darwin Dormitorio sa panganib na kanyang susuungin sa loob ng akademya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Dexter Dormitorio, panganay na kapatid ng namatay na kadete, nagbigay naman umano ang kanilang amang nagtapos din sa PMA ng briefing sa kanyang kapatid bago pumasok sa prestihiyosong miliray school.

Pero dahil sa pangarap ni Darwin na maging sundalo at maging pinamakataas na leader ng Armed Forces of the Philippines (AFP) pagdating ng araw ay pumasok pa rin ito kahit alam niyang may risk o panganib sa pagpasok sa loob ng akademya.

Maliban dito, nagtiwala rin umano ang pamilya Dormitorio sa mas maayos nang pamamalakad ng PMA kaya hindi na rin nila pinigilan ang kanilang kapatid na sundan sana ang yapak ng kanilang ama.