-- Advertisements --

Tutungo na sa do-or-die game ang serye ng Dallas Mavericks matapos na masilat nila sa Game 6 ang powerhouse team na Phoenix Suns, 113-86.

Dahil sa namemeligrong ma-eliminate, hindi nagpabaya ang Mavs sa pangunguna ni Luka Doncic na umiskor ng 33 points, 11 rebounds at eight assists, para magtabla ang best-of-seven series nila sa 3-3 sa Western Conference semifinals.

Para sa Suns na target na umusad sa second conference finals, ito rin ang una nilang pangyayari na aabot sila sa Game 7 sa ilalim ng kanilang superstar players na sina Chris Paul at Devin Booker.

Nagawang malimitahan ng Mavs ang opensa ni Booker na may 19 points pero nabokya sa 3-point range (0 of 4). Ito ay liban pa sa kanyang walong turnovers.

Si Deandre Ayton ay nagtapos naman sa 21 points at 11 rebounds, at si Paul ay meron lamang 13 points.

Ang Game 7 ay gagawin sa Lunes.