-- Advertisements --

Interesado si dating 4-weight division champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Guillermo Rigondeaux ng Cuba.

Sinabi nito na kung sakaling magkakaharap sila ay dapat sa 118 pounds catchweight.

Dagdag pa nito na bilang isang boksingero ay nilalabanan niya ang sinumang boksingero.

Unang nakaharap ni Donaire si Rigondeaux sa 122 pounds pitong taon na ang nakakaraan at ito ay natalo dahil sa puntos.

Unang petsa sana ng laban ng dalawa ay noong Mayo 16 subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa coronavirus pandemic.

Hinihintay pa rin nito hanggang sa kasalukuyan kung kailan ang petsa nito at ito ay patuloy na naghahanda.