Muli umanong gugulatin ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mundo ng boxing sa magaganap na rematch nila ng Japanese superstar na si Inoya Inoue.
Bagamat 39-anyos na raw si Donaire, naniniwala ang ilang veteran boxers na posibleng magtala ng shocking win ang Pinoy champion dahil sa pagkakataong ito ay napag-aralan na nito ang kakulangan sa una nilang laban.
Kung maalala noong 2009 ay kinilalang Fight of the Year ang dramatic at eksplosibong bakbakan ng dalawa kung saan natalo si Donaire.
Matapos ang official weigh-in kahapon agad na idineklara ni Nonito na maganda ang kanyang pakiramdam at abangan daw ang exciting fight.
Si Inoue ay wala pang talo at ang bansag din sa kanya ay “Monster.”
Matatawag na brilliant fighter ang Japanese at mahirap itong patamaan at napakagaling sa mga kumbinasyon at pagpapakawala ng sunod-sunod sa katawan at sa ulo ng kalaban.