-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Labor and Employment ng kabuuang P207.5 million para sa pagsasanay ng mahigit 30,000 manggagawa sa mga major economic hub.

Ayon sa ahensya, ang pagsasanay na ito ay naka angkla sa tumataas na demand sa iba’t-ibang industriya.

Ginawa ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng naturang inisyatiba.

Sa naturang programa ay pumirma ang Technical Education and Skills Development Authority at Clark Development Corporation sa isang kasunduan para sa pagtatayo ng Regional TVET Innovation Center.

Sa sandaling matapos na ito, tututok ang Regional TVET Innovation Center sa pag-aalok ng pagsasanay sa robotics, mechatronics, at smart healthcare technologies.

Inaasahan na sa tulong ng proyekto ay magkakaroon ng kasanayan ang nasabing bilang ng mga manggagawa sa iba’t-ibang larangan na makatutulong sa kanilang paglago .