-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondo para sa cash compensation ng mga empelyado na nagkaroon ng kapansanan may kinalaman sa trabaho para sa kanilanh rehabilitation, occupational therapy at kabuhayan.

Sa ilalim kasi ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ng DOLE, sinuamng empleyado na na-diagnosed na may work-related sickness o illness ay entitled na makatanggap ng serbisyo at assistance mula sa Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan (KaGabay) Program.

Ayon sa DOLE-ECC, sa ilalim ng EC KaGabay Program, ang mga mangagagawa na may work-related disabilities ay makakatanggap ng libreng rehabilitation services agya ng physical/occupational therapy, assistive devices, or livelihood training

Ang mga mayroong approved employees compensation benefits ay maaaring magtungo o tumawag sa ECC offices para i-avail ang naturang services.