Nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng internship jobs sa mg residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas para kumita sila bilang volunteers sa coordination and rehabilitation efforts ng mga local government units (LGUs).
Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, nakapulong na nila ang 10 bayan sa Batangas na pinakaapektado ng pagsabog ng bulkan at pinayuhang alukin ng intern jobs ang kanilang kababayang nabiktima partikular sa ginagawang rehabilitasyon at relief operations.
Ayon kay Asec. Tutay, sa pamamagitan nito, kikita na ang mga biktima at makatulong pa sa mga kababayang nasa evacuation centers pa.
Ang mga volunteers ay tatanggap ng minimum wage na umiiral sa Batangas na nasa P400 kada araw.