-- Advertisements --

May bagong panukalang batas ng ginagawa ang Department of Labore and Employment (DOLE) para tapusin na ang “endo” o illegal contractualization.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na i-vetoe ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang bersiyon ng “endo”.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, naisumite na nila ang draft ng Security of Tenure Bill kay Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan ito ay isusumite sa kongreso kapag nagsimula na muli ang session ngayon buwan.

Magugunitang noong Hulyo ay nai-veto ng pangulo ang naunang bersyon ng endo bill dahil sa posibleng pagbaba ng mga bilang ng trabaho sa bansa.