-- Advertisements --
Inaprbuahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa rehiyon 10 ang pagbibigay na dagdag na pasahod sa lahat ng kategorya sa Northern Mindanao.
Sa advisory ng Department of Labor and Employment na mayroong P23 na dagdag sa arawang sahod sa lahat ng kategorya ng mga nasa Northern Mindanao na epektibo agad.
Mayroon namang dagdag na P10 bilang second tranche na magiging epektibo sa Hulyo 1, 2024.
Kapag naimplementa na ang nasabing dalawang tranches ay magiging P438 na ang arawang sahod mula sa dating P424 sa mga non-agriculture sector habang mayroong P426 mula sa dating P411 ang itataas na pasahod sa mga agricultural sectors.