-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bagong graduate at publiko na samantahalin ang kanilang nationwide job fair na magsisimula ngayong unang araw ng Disyembre.

Ayon sa DOLE na mayroong mahigt 28,000 na job openings na maaring aplayan sa iba’t-ibang lokasyon.

Umaabot rin sa 340 na mga employers ang makikbahagi sa job fair na gaganapin sa 21 lokasyon.

Para sa mga lokasyon ay hinikayat ng DOLE ang mga job seekers na bisitahin na lamang ang kanilang websites.

Pinaalalahanan din nila ang mga aplikante na magdala ng mga kinakailangan gaya ng mga updated na resume, certificate of employment, diploma, transcript of records, training certificates at iba pa.