-- Advertisements --

Bukas ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng liderato ni bagong Secretary Bienvenido Laguesma na muling talakayin ang matagal ng isyu sa pagitan ng mga manggagawa at employers partikular na ang contractualization at ang proposal na taasan ang national minimum wage.

Ayon sa kalihim, isa sa marching order ng Marcos administration para sa kagawaran ay ang sumailalim sa konsultasyon sa lahat ng concerned sectors para matiyak na agarang matugunan ang mga problemang ito.

Inihayag ng kalihim na nagsagawa ito ng dayalogo sa labor groups ilang linggo bago ito umupo sa pwesto bilang kalihim ng DOLE at nakatakda ding makipagusap si Laguesma sa management sector ngayong linggo.

Giitat ng kalihim na nakikita aniyang malaking isyu sa contractual arragement ay ang endo kung saan tinatapos aniya ang pagseserbisyo kahit na dapat pang uipagpatuloy.

Nakahanda naman ang kalihim na idulog ang naturang isyu sa mga mambabatas at komite sa parehong kapulungan ng Kongreso.

Bukas din ang bagong kalihim na pakinggan ang proposal na taasan ang national minimum wage ng hanggang P750 gayundin sa iba pang mga lugar sa bansa.

Ibinahagi ng kalihim na tatlo sa pangunahing concerns ng labor groups ay job security, income benefits at mas mataas na purchasing power para matugunan ang mataas na presyo ng mga bilihin.