-- Advertisements --
ILOILO CITY- Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng doktor sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, Iloilo na nagpositibo sa COVID-19.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Cynthia Cabangal Ng, Head ng Hospital Management sa Iloilo Province, sinabi nito na may apat na kataong nahawaan ng virus ng nasabing doktor.
Ayon kay Ng, hinihintay pa ang resulta ng swab test ng iba pang mga nakaclose contact ng doktor.
Sa ngayon, naka-quarantine na ang doktor sa kanilang bahay at patuloy na nakakaranas ng sintomas ng deadly virus.










