-- Advertisements --

Pinayuhan ni Department of Justice Secretary Jesus ‘Boying’ Remulla na huwag matakot na iparehistro ang kanilang mga SIM Card.

Sa pagsisimula ngayong araw ng SIM Card Registration law ay tiniyak ng kalihim na walang magiging paglabag sa karapatan ng isang tao ang nasabing batas.

Magiging malaking tulong din aniya ang nasabing batas para agad na maparusahan o makasuhan ang sinumang gagamit ng kanilang SIM sa anumang uri ng krimen.

Umaasa ito na nasabing batas ay matutuldukan na ang anumang uri ng panloloko gaya ng mga Text Scams at kahalintulad nito.