-- Advertisements --
DOJ

Nanawagan si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Department of Justice (DOJ) kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), na imbestigahan ang mga nagmamanipula sa presyo ng agricultural products sa bansa.

Sa gitna na rin ito ng mataas pa ring presyo ng agri-products tulad na lamang ng sibuyas na pumalo pa sa ₱700/kilo.

Ayon sa Bagong Henerasyon Party-list solon, dapat maipakulong ang ‘economic saboteurs’ na nagpapahirap sa mga Pilipino.

Aniya, panahon na para paigtingin ang enforcement ng mga batas hindi lamang sa pagsasagawa ng raid.

Bahagi nito ang paghahanap ng testigo, at paper at electronic trails para may maipakulong.

Dagdag pa nito, kailangang may makulong at masampolan upang tuluyang masawata ang ganitong uri ng gawain.