-- Advertisements --

Nagpasaklolo na ang Department of Justice (DoJ) sa Department of Health (DoH) sa contact tracing matapos magpositibo ang limang empleyado ng justice department sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DoJ Usec. at Spokesperson Markk Perete, mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ), ang mga nagtatrabaho sa DoJ frontlines ay binigyan ng tirahan sa DoJ compound kabilang na ang outsourced personnel, security guards at janitors.

Ang iba naman ay sinusundo ng DoJ shuttle at sumunod naman sa health protocol.

Pero dahil sa pagpositibo sa swab test ng limang kawani ng DoJ ay ipinauubaya na ng DoJ sa health department ang contact tracing sa mga empleyadong posibleng na-expose o nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

Kahapon nang kumpirmahin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na lima ang nagpositong kawani ng DoJ ang nagpositibo sa virus kabilang dito ang naka-assign sa field office at sa outsourced services.