Hiniling ngayon ng Department of Justice (DOJ) at ng attached agencies nito sa Kongreso na P26.68 billion budget para sa 2023 ayon sa National Expenditure Program (NEP).
Ayon sa NEP, ang pinakamataas na allocation ay mapupunta sa Office of the Secretary na nasa P8.44 billion na sinundan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa P5.90 billion at Public Attorney’s Office (POA) na nasa P5 billion.
Ang Bureau of Immigration ay makakakuha naman ng P1.61 billion; National Bureau of Investigation, P1.85 billion; Land Registration Authority, P1.26 billion; Office of the Solicitor General, P1.22 billion.
The Parole and Probation Administration ay makakakuha naman ng P882.88 million; Office of the Government Corporate Counsel, P218.66 million; Presidential Commission on Good Government, P146.47 million at Office for Alternative Dispute Resolution, P85.83 million.
Sa Office of the Secretary, nasa P8.44 billion ang bagong appropriations para sa Office of the Secretary, P7.3 billion ay mapupunta sa law enforcement program, P113 million naman ay sa legal services program at P39 million sa corrections program.
Sa ilalim ng special provisions dapat ay magsumite ng quarterly reports sa kanilang financial at physical accomplishments sa loob ng 30 days sa kada katapusan ng bawat quarter.
Layon din ng opisina na masiguro ang mabilis at patas na administration ng justice.
Para sa fiscal year 2022 nakatanggap ang opisina ng pondong P7.7 billion.
Samantala, P5.90 billion naman ang ilalaang pondo sa BuCor para sa prisoners’ custody at safekeeping program at ang P100 million ay para sa rehabilitation ng mga inmates.
Kabilang naman sa special provisions ang bayad sa mga allowance ng mga inmates na nagtatrabaho sa agricultural o industrial projects, medicine allowance para sa mga inmates at quarter privileges para sa mga employees.
Nakatanggap ang BuCor ngayong 2022 ng pondong P5.2 billion.
Sa panig ng Public Attorney’s Office (PAO), maglalaan ang mga ito ng P4.7 billion ng kanilang pondo para sa public legal assistance program.
Kabilang na rito ang provision ng free legal services sa mga indigents at iba pang qualified persons sa criminal, civil, labor, administrative at quasi-judicial cases.
Layon nitong masiguro ang mabilis at patas na administration ng justice at masiguro ang accessible, efficient, at effective legal service sa mga indigents at iba pang qualified persons.
Nakatanggap ang PAO ng budget na P4.9 billion.
Ang proposed budget ay isinumite sa House of Representatives at ang deliberations ay target daw na makumpleto sa October 1, 2022.










