-- Advertisements --

Malaking hamon pa rin daw sa pamahalaan ang pagbabalik ng matibay na estado ng health care sector dahil sa banta ng pagtaas pa ng COVID-19 cases sa bansa.

Nang tanungin sa Malacanang press briefing si Health Usec. Maria Rosario Vergeire kung nanalo na ba ang Pilipinas sa laban kontra coronavirus disease, sinabi nito na “manageable” o nakakaya pa naman ng health care sector na hawakan ang mga kaso ng sakit. Pero kailangan maging alerto para hindi tuluyang bumigay ang sektor.

“Pine-prepare po natin ang ating health care system para mas maka-accommodate po tayo ng mas maraming pasyente so we can appropriately address the situation.”

Para naman kay Sec. Carlito Galvez, ang chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, nasa kritikal pa ang sitwasyon ng bansa.

“We are in a critical phase of the management of the crisis,” aeon sa opisyal na tumanggi rin sagutin ang tanong.

Nitong Lunes nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,226 na mga bagong kaso ng COVID-19, kaya umakyat pa sa 106,330 ang total ng confirmed cases. Mula rito, 65,821 na ang gumaling. Habang 2,104 ang namatay.

Simula Martes, August 4 ay muling ipapatupad ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna matapos umapela ng “time out” ang ilang grupo ng health care workers.