-- Advertisements --

Umabot na sa higit 444,164 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong araw, nag-ulat ang ahensya ng 1,387 na mga bagong kaso ng sakit. Pero hindi pa raw kasali rito ang report ng 13 laboratoryo na bigong makapag-pasa ng datos kahapon.

“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 8, 2020.”

Ang lalawigan ng Batangas ang may pinakamataas ng numero ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 71. Sumunod ang Quezon City, 70; Davao del Norte, 64; Benguet, 59; at Quezon province, 57.

Nasa 408,942 na ang total recoveries matapos madagdagan ng 156 na bagong gumaling. Samantalang ang total deaths ay nadagdagan ng pito, kaya umakyat pa sa 8,677 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit.

Habang ang active cases o mga nagpapagaling ay nasa higit 26,500 pa.

“8 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases. Moreover, 1 case previously tagged as recovered was reclassified as died.”