-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sang-ayon ang Department of Health-Cordillera sa rekomendasyon na pagpapalawig sa enhanced community quarantine sa Cordillera Administrative Region.

Ayon kina DOH-Cordillera Regional Director Amelita Pangilinan at Baguio City Health Services Officer Rowena Galpo, maaaring palawigin ang quarantine period sa lokalidad hanggang Mayo.

Gayunpaman, aminado ang dalawang health officials na depende pa rin ang desision sa mga mas mataas na opisyal.

Sa ngayon ay aabot na sa 13 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Baguio habang tig-dalawa naman sa lalawigan ng Benguet at Abra.