-- Advertisements --

Aabot pa raw sa P10.5-billion ang kakailanganin ng Department of Health (DOH) para mabigyan ng COVID-19 vaccine ang populasyon ng bansa.

Ito ang inamin ng ahensya sa gitna ng patuloy na mga panawagang taasan pa ang alokasyon sa budget ng DOH para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, P12.1-billion ang kabuuang budget na kanilang kailangan para matupad ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabakunahan ang 20% ng populasyon.

“Kapag tiningnan natin yug priority populations natin, specially as pronounced by the president, sinabi niya both healthcare workers from private and public; indigent senior citizens, vulnerable population or the poor.”

“Noong kinompute natin yan na isasama natin doon sa mabibigyan ng bakuna, it totalled to P12.1-billion.”

Aabot lang sa P2.5-billion ang aprubado ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program.

“Most of the vaccines are going to be marketed have two doses.”

Isa sa nakikita ng DOH na paraan para magkaroon ng supplemental budget ang kagawaran sa pagbili ng bakuna ay ang pag-utang sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

“May naka-commit (na rin) na nasa unprogrammed (budget). Noong pinag-uusapan sa Congress, our lawmakers na talagang they’re committing to help us.”

“Lahat ‘yan inaayos sa ngayon at tinitingnan din natin yung feasibility and also kung anong magiging efficiency when we go throgh this transaction.”