-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatiling boluntaryo at hindi madatoryo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa kabilang ang booster doses.

Ginawa ng ahensiya ang naturang paglilinaw matapos ang napaulat na pagpayag umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa proposal ng DOH na pagmamandato ng pagbabakuna ng unang booster dose.

Iginiit ng tagapagsalita ng DOH at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maging ang kanilang ahensiya ay walang inisyu na anumang statement na mandatoryo na ang pagbabakuna kontra covid19 gayundin sa booster dose.

Paliwanag ni USec Vergeire na kanilang binibigyang diin ang pangangailangan na maitaas ang antas ng nababakunahan ng booster dose sa ating bansa dahil nakikita ng ahensiya at ng mga eksperto na humihina ang immunity ng populasyon ng ating bansa.

Gayundin, ayon kay Vergeire under review pa rin sa ngayon ang panukala na pasgsama sa unang booster dose para masabing fully vaccinated ang isang indibdiwal.

Nauna ng inihayag ni Pangulo na kaniyang suportado ang pagbibigay ng anti-covid19 booster dose para sa mga bata kasabay ng taregt ng bagong adminsitrasyon na pagpapatupad ng 100 porsyento ng in-person classes sa Nobiyembre.

Top