-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapaliwanag ng Department of Health (DOH) matapos maalarma ang publiko sa tumaas na porsyento ng severe at critical COVID-19 cases kamakailan.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bagamat malaki kung titingnan ang total na 3.1% na datos ng critical cases noong nakaraang linggo, ay hindi pa naman umabot ng 1% ang katumbas na increase nito.

“As the cases increase, the number of these classified patients under this, yung mild, asymptomatic, severe, critical and moderate, dumadami rin siya. But when we analyze itong increase natin, ang ating analysis is 0.4 ang increase by the end of August, and 0.5 by September 22.”

“In terms of percent, yung ating pag-increase ng mga kaso sa severe at kritikal, it’s not really significant because it is less than 1%.”

Nilinaw ng opisyal na sa kabila ng mababang porsyento ng increase ay patuloy pa rin naman nilang tututukan ang mga pasyente para mabigyan ng karampatang tulong medikal at hindi lumala ang sitwasyon.

Nakatulong din daw ang patuloy na paglilinis sa mga datos para mas maging malinaw ang klasipikasyon ng active cases.

“Nung tiningnan natin yung mga datos natin, nakakita tayo na some of these na na-tag ng ating Disease Reporting Units as severe and critical, have already died. May natanggal tayong mga numero, nai-reclassify natin sila, nabawasan din ito.”

Pati na ang mga stratehiya tulad ng Oplan Kalinga, Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE), at referral network ng ospital at mga quarantine facilities para sa mga pasyente.

Aminado si Usec. Vergeire na hanggang ngayon ay may existing pa rin na clustering ng COVID-19 cases, kaya umaakyat pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit. Ang expanded testing din umano ay nakaapekto sa pagdami ng mga tinatamaan ng coronavirus.

“We have to look at the whole picture. When we say na we have already this certain number of cases, so kailangan tintingnan natin kung ilan pa ang active cases, gumaling na at deaths; ang mga mild at asymptomatic?”

“When we look at the number of cases right now, even though we are at that point na 300,000, pero ang ating recoveries is at 83%. Ang active cases more than 60,000 lang, so yun dapat ang tinitingnan ng ating mga kababayan.”

Nitong Linggo, umakyat sa 3.7% ang total ng critical cases mula sa 2.7% noong Sabado. Ang severe cases din ay umakyat sa 1.6% mula sa 1.2% sa loob ng isang araw.