-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga panganib sa kalusugan mula sa sulfur dioxide at ash fall sa gitna ng pagbubuga ng abo at lava bulkang Mayon.
Sinabi ng DOH na ang sulfur dioxide ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop pati na sa mga halaman.
Ayon sa nasabing departamento, ang panandaliang exposure sa sulfur dioxide ay maaaring makapinsala sa respiratory system at magdulot ng problema sa paghinga.
Ang mga taong may hika, partikular na ang mga bata, ay sensitibo sa mga epektong itong dulot nito.
Dagdag dito, ang mga taong dumaranas ng bronchitis at emphysema ay dapat ding umiwas sa exposure sa abo ng bulkan.
Una nang sinabi ng DOH na maaaring magdulot ng problema sa kalusugan ang pagkakalantad sa ash fall.










