DAVAO CITY – Mahigpit ngayon an mino-monitor ng regional office ng Department of Trade and Industry (DTI 11) ang mga hospital at laboratories sa Davao Region na sumisingil ng overpriced Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.
Ayon kay Deolly Roque, division chief ng regional office consumer protection division ng DTI-11, sa nakaraang Mayo nitong taon aabot sa 19 na mga hospitals at laboratories ang kanilang namomonitor matapos na nag-alok ang mga ito ng RT-PCR test na sobra sa P5,000.
Sa pamamagitan ng joint administrative order na nilagdaan ng DTI at Department of Health (DOH) sa Nobyembre sa nakaraang taon, ang maximum price ng RT-PCR testing kabilang na ang test kits ay nasa P5,000.
Nagbabala rin ang DOH-11 sa mga hospitals at laboratories na kailangan pababaan ang presyo ng mga ito.
Kahit pa nasuspinde ang kanilang monitoring sa nakaraang buwan ng Hunyo, umaasa ang mga ito na magpapatuloy ito ngayong buwan ng Hulyo.










