Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga healthcare worker, senior citizen at immunocompromised na indibidwal na magpakuha na ng bivalent shots laban sa COVID19.
Ang mga talaan kasi ng DOH ay nagpakita ng mababang bilang ng mga bivalent recipient.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, ang pang-araw-araw na average ay 6,000 jabs bawat araw.
Sinabi ng DOH na ire-calibrate nito ang pamamahagi nito ng bivalent vaccines.
Dagdag pa nasabing departamento, 49 porsiyento lamang ng 391,860 na dosis ng bivalent vaccines ang kanilang nagamit.
Sinabi ni Tayag na nilalayon nilang ubusin ang lahat ng dosis na naibigay ng Lithuania sa katapusan ng buwan.
Kung matatandaan, inilunsad ng DOH ang bivalent COVID vaccines noong Hunyo 21.
Una nang inanunsyo ng DOH na ang mga bivalent na bakuna ay maaari nang ibigay bilang una, pangalawa o pangatlong booster dose para sa mga indibidwal na may edad 18 pataas na kabilang sa mga priority group na A1 o healthcare workers, A2 o senior citizens at A3 o mga nasa hustong gulang na may comorbidities.