Hinikayat ng Department of Health ang mga Pilipino na maging isang organ donor.
Ito ay upang matugunan ang naitala ng ahensya na pagtaas sa bilang ng mga pasyenteng kinakailangang isailalim sa mga life-saving transplant procedure.
Batay kasi sa datos ng DOH, ngayong Pebrero 2024 ay aabot na sa 300 ang bilang ng mga pasyenteng naghihintay na sumailalim sa transplant.
Ayon sa Health Department, ang organ transplant ay nagkakahalaga mula Php1.2 million hanggang Php1.7 million, ngunit maaari anilang makatulong ang gobyerno upang mas mapababa pa ang presyo nito.
Sa pamamagitan ito ng pagtulong sa mga pasyente na lumapit sa Malasakit Center at iba pang mga social services.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin ng DOH na namamahagi rin anila sila ng mga cards sa publiko partikular na sa mga indibidwal na interesado na maging organ donor. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)