Pormal na lalagda ang mga ahensya ng Department of Health (DOH) at United Nations (UN) sa isang partnership agreement sa Lunes, Nob. 13 para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP).
Sinabi ng DOH na ang kaganapan ay magsasaad ng mahalagang pakikipagtulungan na naglalayong tugunan ang malnutrisyon sa Pilipinas.
Gumagamit ang Philippine Multisectoral Nutrition Project ng multi-sectoral approach upang magbigay ng comprehensive package ng mga interbensyon at pagtugon na partikular sa nutrisyon ng publiko.
Gayundin ng nutrition-specific at nutrition-sensitive intervention na nakahanay sa Sustainable Development Goals 2 (SDG 2) sa zero hunger at lahat ng anyo ng malnutrisyon at SDG 3.
Binibigyang-diin ng proyekto ang geographic convergence, supply at demand-side intervention, at equity para mapahusay ang pangkalahatang nutrisyon at mga resulta sa kalusugan.
Ang isasagawang ceremonial signing ay sumasalamin sa pangako ng DOH at UN tungo sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga Pilipino at pagpapataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng naturang proyekto.