Hinihimok ng Department of Energy ang mga local government unit na bawasan ng 10 porsiyento ang paggamit ng kuryente para makatipid sa mga gastos at mabawasan ang pangangailangan para sa supply ng kuryente sa bansa.
Sinabi ng isang opisyal ng DOE na napakahalagang magpatupad ang mga LGU ng energy efficient measures dahil malaki ang epekto nito sa energy demand sa buong bansa.
Ayon kay DOE Senior Science Research Analyst Anabel Elmaga na mayroong libu-libong LGU, na ang ilan ay nagpapatakbo din ng mga ospital at paaralan at ang 10 porsiyentong pagbaba sa konsumo ng kuryente ay may malaking epekto sa bansa.
Idinagdag niya na ang pagbabawas ng pangangailangan para sa kuryente ay makakatulong din sa sektor ng kuryente ng bansa, at ang nalikom na ipon ay magagamit para sa iba pang mga proyekto.
Maraming kinatawan mula sa iba’t ibang local government units ang nagbahagi ng kanilang magandang gawi sa energy efficiency at pagkakaroon ng local energy plan.
Sa kabilang banda, hinimok din ang DOE na pormal na isama ang EEC o energy efficient and conservation office sa bawat LGU para ma-institutionalize nila ang opisina at makapagbigay din ng mga regular na posisyon.