Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) officer-in-charge Secretary Carlito Galvez Jr. sa tatlong senador na gumawa ng panukalang batas na naglalayong amyendahan ang mga bahagi ng Republic Act (RA) 11709.
Ang Republic Act 11709 ay kilala rin bilang “Act Strengthening Professionalism in the Armed Forces of The Philippines.
Ang naturang pag-amyenda sa isinusulong na batas ay makakatulong upang ma-address umano ang mga issue sa pagpapatupad ng Republic Act 11709.
Idinagdag niya na ang malakas na suporta ng dalawang kapulungan ng Kongreso para sa pag-amyenda sa ilang probisyon ng RA 11709 ay nakatitiyak na ang Armed Forces of The Philippines AFP ay mananatiling professional, dynamic at may kakayahang umangkop para sa kanilang tungkulin.