-- Advertisements --

Patuloy ang pagtulong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino workers (OFW) na naapektuhan ng visa ban sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na kanilang pinulong na ang mga OFW na nakansela ang kanilang working deployment sa Kuwait.

Pagtitiyak nito sa kanila na tutulungaan nila ang mga ito na makahanap muli ng papasukan sa ibang bansa.

Mayroong P30,000 na tulong pinansiyal ang kanilang naibigay sa 32 na mga OFW na kanilang tinulungan para makahanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa.