-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na hindi magbabago ang pagbibigay na tulong sa mga overseas Filipino workers.
Sa pormal ntong pag-upo sa opisina bilang kalihim na tuloy ang mga naunang trabaho.
Pinuri nito si Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa agarang pag-aksyon nito tuwing may mga kinakaharap na hamon ang mga OFW.
Magugunitang noong Agosto ng nakaraang taon na italaga bilang officer-in-charge si Cacdac matapos ang pagpanaw ni DMW Secretary Susan Ople.
Noong nakaraang Linggo lamang ay pormal ng itinalaga ng pangulo si Cacdac bilang kalihim ng ahensiya.