-- Advertisements --

Upang matiyak na ligtas ang mga Pilipinong Crew na kasama sa naikustudiyang oil tanker sa Gulf of Oman, nakikipag-ugnayan na ngayon ang pamunuan ng Department of Migrant Workers sa manning agency nito.

Ito ang naging pag-uulat ni DMW OIC Hans Leo Cacdac.

Ang labing walong Pinoy ay kabilang sa mga tripulante ng St. Nikolas Tanker. 

Ayon kay Cacdac, sa ngayon ay wala pa silang update sa status ng barko.

Bukod dito ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Foreign Affairs.

Sinisimulan na rin ng ahensya ang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng labing-walong Pinoy Crew.

Kaagad naman sila aniyang maglalabas ng update kapag magkaroon na ng develoment ang naturang insidente.