-- Advertisements --

Nagpasya si world number one at 24-time Grand Slam champion Novak Djokovic na hindi maglaro sa Madrid Open ngayong linggo.

Ayon sa 36-anyos na Serbian tennis star na nais niyang magpagaan ang kaniyang schedule kaya hindi na ito maglalaro sa nasabing torneo.

Ito na ang pangatlong beses na umatras sa Madrid Open sa loob ng apat na taon si Djokovic.

Ang beteranong si Rafael Nadal naman ay nakatakdang maglaro laban kay 16-anyos na si Darwin Blanch ng US sa unang round.