-- Advertisements --
Tiyak na ang muling paglalaro sa Australian Open ni dating World Number 1 Novak Djokovic.
Kinumpirma ito ng kampo ng nine-time Australian Open matapos na tanggalin na ng gobyerno ng Australia ang pagpapakita ng proof of vaccination.
Nitong Nobyembre rin kasi pinayagan ng Australian government na maari ng maglaro ang Serbian tennis star.
Magugunitang noong Enero ay pinagbawalang maglaro si Djokovic matapos na magmatigas itong ipakita na siya nagpaturok na ng bakuna laban sa COVID-19.