-- Advertisements --

Pasok na sa US Open final si Novak Djokovic matapos talunin si Ben Shelton ng US.

Dominado ng Serbian player ang laro kung saan nagtala ito ng 6-3 6-2 7-6 (7-4).

Ipinakita ng World No. 2 ang kaniyang kalakasan laban sa bagitong American player.

Sinabi ni Djokovic na isang malaking hamon para sa kaniya ang makaharap ng mga bagitong tennis player dahil nasusubok ang galing nito.

Susunod na makakalaban ni Djokovic ang sinumang manalo sa pagitan nina Daniil Medvedev at Carlos Alcaraz.