-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng Australian Open si Novak Djokovic.
Ito ay matapos talunin niya si Dino Prizmic ng Croatia sa score na 6-2 6-7 6-3 6-4.
Sinabi ng Serbian tennis star na muntik na siyang mabigo dahil a doble ang edad ng nakakabatang nakalaban nito.
Inamin ni Djokovic na naging malakas ang 18-anyos na Croatian tennis star kaya nahirapan siyang makuha agad ang momentum ng laro.
Susunod na makakaharap ng 36-anyos na si Djokovic ang sinumang manalo sa pagitan nina Marc Polmans at Alexel Popyrin.