-- Advertisements --

Hindi pa natatanggap ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon ang disbarment order ng Supreme Court laban sa kaniya.

Sinabi nito na sakaling matanggap niya ay agad siyang maghahain ng apila.

Inihahanda niya rin ang petition for inhibition laban kina Associate Justice Filomena Singh at Marvic Leonen.

Ang dalawang Mahistrado umano ay may personal na galit sa kanya dahil sa pagsusulong niya na ma-impeach noon si Leonen habang binabanatan niya si dating Health Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire na umano’y may blood relation kay Justice Singh.