Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang tinatawag na driect market linkage strategy sa layong ma-stabilize ang presyo ng sibuyas sa retail markets at matulungang mapataas ang income o kita ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), sinabi ng DA na ang mga onion growers ay direktang makakapagbenta ng kanilang produkto sa market vendors at institutional buyers.
Sa ilalim din ng nasabing strategy, nakapagbigay ng logistical assistance sa Valiant Primary Multi-Purpose Cooperative (VPMPC) at Bagong Pag-asa Multi-purpose Cooperative, na parehong nakabase sa Bongabon, isang onion-producing municipality.
Kabilang sa ibinigay na assistance ay ang paggamit ng KADIWA delivery trucks para maibsan ang problema ng mga magsasaka sa logistics at transportasyon.
Ito ay parte ng interventions ng pamahalaan para sa mga local onion farmers upang matiyak ang abot-kayang food products sa merkado