Welcome para kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang pagkakatalaga kay Police Major General Nicolas Torre III bilang susunod na bagong pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Remulla, buo ang kanilang suporta at kumpyansa sa kakayahan ng susunod na PNP Chief.
Sa isang pahayag ay sinabi ng kalihim na buo ang tiwala nito sa galing ni Torre na gampanan ang bagong responsibilidad at pamunuan ang buong hanay ng PNP.
Aniya, isa sa magandang katangian ni Torre ay tinatapos talaga nito ang kanyang trabaho ng walang anumang pwedeng humadlang.
Marahil ay nagmula aniya ang dedikasyon ni Torre sa kanyang ama na dati ring miyembro ng Pambansang Pulisya na nasawi sa isang assasination sa Lutayan, Sultan Kudarat.
Sa ngayon ay natanggap na aniya ni Torre ang ‘marching orders’ mula kay pangulong Ferdinand Marcos Jr.