-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, ang paghihigpit ng seguridad sa Senado.

Kasunod ito sa lumabas na impormasyon na mayroong banta ng seguridad sa Senado.

Ayon kay Remulla, na lahat ng mga impormasyon na kanilang nakukuha ay kanilang sineseryoso.
Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pagbabantay sa maaring grupo na mangugulo.

Magugunitang inihayag ng National Bureau of Investigation na mayroon silang mga impormasyon na natanggap na may banta sa seguridad ang Senado.