-- Advertisements --
Nanawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, sa alkalde ng Makati City at Taguig City na isaalang-alang ang mga residente na naapektuhan ng kanilang boundary dispute.
Sinabi ng kalihim na mayroon ng desisyon ang korte suprema at nararapat na magkaroon na ng malinaw na pag-uusap at turn-over sa mga maapektuhang residente.
Tanging maiipit sa nasabing insidente ay ang mga residente ng Makati City na maililipat sa lungsod ng Taguig.
Magugunitang 10 mga barangay ng Lungsod ng Makati ang inilipat sa lungsod ng Taguig ng maglabas ng desisyon ang korte suprema.