-- Advertisements --
image 517

Ipinaliwanag ng Department of Interior and Local Government(DILG) na walang income classification ang mga opisyal ng brgy, katulad ng mga mga Kagawad, Kapitan ng Brgy, at mga miyembro ng SK.

Ayon sa DILG, mayroon lamang honorarium o allowance na ibinibigay sa mga naturang opisyal.

Sinabi ni DILG National Barangay Operations Office Dir. Dennis Villaseñor, ang matatanggap na allowance ng mga brgy officials ay dedepende rin sa budget ng Brgy kung saan sila maninilbihan.

Batay sa datus ng DILG aniya, nasa P12,700 ang kalimitang natatanggap ng isang Punong Brgy. sa Metro Manila habang P8,900 naman ang natatanggap ng isa nitong Kagawad.

Sa kaslaukuyan, ang Brgy 21 sa Pasay City ang may pinakamataas na natatanggap na allowance: ang Kapitan ng Brgy dito ay tumatanggap ng kabuuang P37,000.

Para sa pinakamalaking Brgy sa Pilipinas, ang Brgy Bagong Silang o Brgy 176 sa Lungsod ng Caloocan, nakakatanggap ng P25,000 ang Kapitan nito, habang ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ay tumatanggap ng P19,000.00

Sa kabila nito, tumatanggap din naman ang mga opisyal ng brgy kasama ang kanilang mga dependents, ng health insurance, libreng medical care, health insurance, at Christmas bonus.

Batay sa sinusunod na batas sa ilalim ng Local Government, hindi maaaring gastahin ang 55% ng budget ng Brgy bilang honorarium o allowance ng mga opisyal, Brgy tanod, health worker, atbp.