-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng executive order si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga local chief executives kung saan ire-require ang mga local chief executives na magsumite report hinggil sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga lokalidad lalo na ang iligal na operasyon ng POGO. 

Sinabi ni Remulla, kaagad na mababatid kung may iligal na operasyon ng POGO sa isang lokalidad dahil biglang nagkakaroon ng spike sa bandwith at maging ang pagpasok ng mga kahina hinalang mga indibidwal.

Makikita din ito sa mga galaw ng mga banyaga na nais mag set-up ng mga hindi rehistradong negosyo.

Paliwanag ni Remulla layon ng Executive Order para kaagad matugunan ang anumang iligal na operasyon sa mga lokalidad ng sa gayon agad ito matugunan.

 Siniguro ng Kalihim na katuwang nila ang PAOCC para tugisin ang mga iligal na aktibidad na mag operate sa mga lokalidad partikular ang iligal na operasyon ng POGO.