Magdudulot umano ng global food crisis ang nangyayaring digmaan ng Russia sa Ukraine, at hindi ang mga parusang ipinataw sa Moscow.
Ayon kay EU’s top diplomat Josep Borell, nagdudulot ito ng kakapusan sa ilang mga produkto.
Binobomba aniya ang mga lungsod ng Ukraine at pinupukaw ang gutom sa mundo.
Sinabi niya na ang militar ng Russia ay “naghahasik ng mga bomba sa mga bukirin ng Ukraine, at ang mga barkong pandigma ng Russia ay humarang sa maraming mga barko na puno ng trigo.’
Aniya, binobomba rin nila at sinisira ang mga stock ng trigo at pinipigilan ang trigong ito na ma-export.
Nagbabala si Borrell na bilang karagdagan sa mga marahas na labanan na nagaganap sa Ukraine, “may isa pang labanan, at ito raw ang “battle of narrative”.
Iginiit nito na hindi ang mga sanctions na ipinataw sa Moscow ang dahilan ng food scarcity kundi ang mga Russian military.