-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tuluyang maipapatupad ng gobyerno ang digital transformation.

Ayon sa BIR na noon pang nakaraang taon ay naipatupad na nila ang phase 1 ng implementasyon ng nasabing programa.

Bahagi aniya ng nasabing digital tranformation sa Act of Promoting Ease of Doing Business para maging mabilis ang serbisyo ng gobyerno.

Dahil aniya sa nasabing programa ay nag-improve ang revenue collection system nila.