Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglunsad ng “significant portion” ng mga digital national ID bago matapos ang 2023.
Ito ay kasunod na magpahayag ng “impatience” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mga pagkaantala sa pagpapalabas ng mga physical card.
Kasunod ng utos ng chief executive, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na agad na gumawa ang ahensya ng plano para sa deployment ng digital national IDs, na mangangailangan ng access sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Inatasan ang PSA na kunin ang biometrics, face recognition, at personal information ng mga Pilipino.
Ayon kay Uy, sa ngayon, nakuha na ng PSA ang 80 milyong pagkakakilanlan ng mga mamamayang Pilipino.
Dagdag ng opisyal na ma-dedeploy ang digital ID sa mga susunod sa buwan.
Una na rito, ayon sa PSA, mahigit 43 milyong PhilIDs ang naipadala batay sa huling tala noong buwan ng Agosto.