-- Advertisements --

Patuloy na biniberipika ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang umanoy data leak sa Department of Science and Technology.

Sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na may natanggap silang impormasyon ang data leak sa OneExpert portal ng DOST.

Noong Agosto aniya ay may natanggap na silang parehas na problema rin ng DOST.

Agad naman na nakipag-ugnayan sila sa mga iba’t-ibang ahensiya para matugunan ang nagaganap na data leak sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.