Humihingi ang Department of Information and Communications and Technology (DICT) ng P5.6 bilyong karagdagang budget sa panukala nitong 2024 na alokasyon para sa susunod na taon.
Ang nasabing halaga ay sa kabila ng mababang utilization rate ng departamento.
Sa ilalim ng panukalang 2024 National Expenditure Program, binigyan ng Department of Budget and Management ang DICT ng kabuuang P8.729 bilyon na pondo para sa 2024.
Sa pagpuna na ito ay hindi sapat, sinabi ni DICT Undersecretary for Support Service Heherson Asiddao na kailangan nila ng hindi bababa sa P5.6 bilyon upang gumana magampanan nila ang kanilang tungkulin sa mga organisasyon kasama ang lahat ng regional offices nito.
Ngunit sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance sa panukalang budget ng DICT, nabunyag na 25 percent lamang ang utilization ng ahensya sa alokasyon nito noong 2023.
Ibig sabihin, mula sa P13.9 bilyon nitong budget noong 2023, P3.5 bilyon pa lang ang nagamit, habang ang natitirang alokasyon na humigit-kumulang P10.5 bilyon ay nananatiling unobligated.
Sinabi rin ni Asiddao na halos 70% ng P13.9 bilyon na budget ng DICT noong 2023 ay nasa active procurement na.