-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na ang sanhi ng tumataas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 ay ang patuloy na paglabag ng mga residente sa minimum health protocols na ipinapatupad ng Inter-Agenct Task Force (IATF).

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 3,000 ang kabuoang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela at mahigit 400 dito ang aktibong kaso na minomonitor ng mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer ng Isabela, sinabi nito isa rin sa mga dahilan nang pagtaas ng COVID-19 cases sa lalawigan ay ang pagpupuslit pauwi ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan at lungsod dahil sa bahagyag pagluwag sa pagbabantay sa mga checkpoint sa lalawigan.

Isinsisi rin niya ito sa pagiging makasarili ng ilang residente partikular na ang mga non-APOR na hindi sumasailalim sa mga LGU operated quarantine facility.

Bilang hakbang ng Provincial Government para maiwasan na makapasok ang bagong variant ng COVID-19 sa Isabela ay mas hinigpitan nila ang monitoring sa mga checkpoint upang matiyak na masala ang mga papasok na mga residente maliban pa sa pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga Isabeliño upang makaiwas sa virus.