-- Advertisements --
image 270

Inanunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), na malapit na nitong iharap ang mga plano sa rehabilitasyon ng Pasig River sa Office of the President (OP).

Ginawa ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pahayag matapos niyang suriin ang mga pangunahing lugar sa tabi ng Pasig River kasama ang iba pang opisyal ng departamento.

Aniya, mayroon ng mga PLANO at malapit na umano itong maiharap sa opisina ng Pangulo at sa harap ng konseho para sa pag-apruba.

Nauna na nilang sinuri ang mga bahagi ng makasaysayang ilog na tinutumbok para sa mixed-use development at tourism spots, lalo na ang rehiyon sa likod ng Central Post Office at Parola Compound upang matukoy ang tulong na ibibigay para sa informal settler na mga pamilya.

Ayon sa DHSUD, nakipagpulong na si Acuzar kay MMDA Chairperson Romando Artes, at iba pang mga ahensya upang talakayin ang mga unang hakbang ng konseho upang ilagay ang mga probisyon ng kautusan para sa mga miyembrong ahensya.

Sa ilalim ng EO35, pinangalanang miyembro ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development ang mga kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT). ), Department of Transportation (DOTr), Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), ang chairperson ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang general manager ng Philippine Ports Authority (PPA) , commandant ng Philippine Coast Guard (PCG), ang general manager ng Laguna Lake Development Authority, at ang chief executive officer ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ang nasabing kondeho ay inutusan na lumikha ng Pasig River Urban Development Plan na magsisilbing blueprint para sa ganap na rehabilitasyon ng ilog, na may layuning maisakatuparan ang buong potensyal nito para sa mixed-use development, transportasyon, libangan, turismo, at sustainable human settlement habang isasaalang-alang ang makasaysayan at kultural na halaga nito.